this post was submitted on 09 Oct 2026
2 points (100.0% liked)

Pravda News!

491 readers
395 users here now

founded 11 months ago
MODERATORS
 

Kinundena ng mga magsasaka at residente ng Sityo Sangilo, Barangay Macabaklay, Gapan City, Nueva Ecija ang paulit-ulit na pagtatambak ng lupa at pagharang sa daan para sa MTerra Solar Project. Itinambak ang lupa noong Setyembre 29 at Oktubre 2 na humarang sa akses sa daanan ng 20 pamilya sa sityo.

Ayon sa Bayanihan Magsasaka ng Sangilo Association Inc. (BMSAI), apektado nito ang paglabas-pasok ng mga estudyante at pagpunta sa sakahan ng mga magsasaka. Naniniwala ang BMSAI na taktika ito ng panggigipit ng MTerra para tuluyan silang lumayas sa komunidad.

“Tinatambakan ang daan para mahirapan ang mga magsasaka at residente na makauwi at makapunta sa kanilang bukid. Malinaw na panggigipit ito sa mga magsasaka at residenteng ipinaglalaban ang kanilang lupa,” according to Mary Jean Bote, pangulo ng BMSAI.

Ang insidente ay kasunod ng pagbuldoser ng MTerra noong Setyembre 25 sa mahigit 30 ektaryang sakahan sa barangay. Kasama sa winasak ng kumpanya ang mga bungang-kahoy, puno ng saging at mga pananim na gulay ng mga residente.

Ang dambuhalang proyektong solar ay sasaklaw sa 3,500 ektaryang lupain sa prubinsya ng Nueva Ecija at Bulacan. Hindi bababa sa 22,00 residente mula sa mga komunidad ng Barangay Callos sa Peñaranda, Pias sa General Tinio, at Macabaklay, Puting Tubig, at Kapalangan sa bayan ng Gapan City ang direkta at hindi direktang naaapektuhan ng proyekto.

Ang 40% ng solar farm ay pagmamay-ari ng General Atlantic, isang kumpanyang Amerikano. Samantala, ang natitirang 60% ay pagmamay-ari ng SP New Energy Corporation katuwang ang kumpanya sa renewable energy ng Meralco na MGen Renewable Energy, Inc. (MGreen).

Nanawagan ng suporta para sa mga residente ng Sityo Sangilo ang alyansang Movement Against Destructive Solar Farms (Madsolar). Nakiisa rin sa mga magsasaka ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

The post Pagharang sa daan at pagtatambak ng lupa para sa MTerra Solar Project, kinundena appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

no comments (yet)
sorted by: hot top controversial new old
there doesn't seem to be anything here