this post was submitted on 22 Feb 2026
1 points (100.0% liked)

Pravda News!

258 readers
170 users here now

founded 4 months ago
MODERATORS
 

Namatay sa serye ng depensibang mga aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southeast Negros (Rachelle Mae Palang Command) ang limang sundalo ng 11th IB noong Pebrero 15. Tatlong labanan ang naganap sa Barangay Santo Niño, Tanjay City, Negros Oriental nang sumalakay ang 11th IB.

Sa ulat ng yunit, unang nagkaroon ng labanan ng alas-5:30 at sinundan ng dalawa pa ng alas-6:30 at alas-7 ng umaga. Ligtas na nakaatras ang yunit ng BHB sa magkakasunod na labanan. Ang naturang yunit ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga problema ng masang magsasaka sa barangay.

“Sa naganap na mga labanan, binigo ng mga Pulang mandirigma ang tangkang pag-atake sa pamamagitan ng pagkontra-opensiba at pag-agaw sa inisyatiba,” pahayag ni Ka Estrella Banagbanag, tagapagsalita ng BHB-Southeast Negros. Dagdag niya, sampal ito sa mukha ng 11th IB at 302nd IBde na ilang ulit nang nagpahayag na wala nang larangang gerilya sa Southeast Negros.

Sa pagkapahiya ng 11th IB, isa lamang ang inamin nitong nalagas sa kanilang hanay habang may isa umanong nasugatan. Kinilala ang napatay na sundalo bilang si Cpl. Reynold Gardose, isa sa mga iskwad lider ng Alpha Company.

Kabi-kabila rin ang pamamahayag ni Brig. Gen. James Jumawan, kumander ng 302nd IBde para pagtakpan ang kanilang pagkatalo. Sinabi ni Jumawan na ang yunit na nakasagupa ng 11th IB ay mula sa magkasanib na yunit ng BHB sa Southwest at Southeast Negros na nagtatangkang irekober ang timog ng Negros Oriental. Pinalalabas pa ni Jumawan na apat na lamang ang myembro ng BHB sa sentral at timog ng Negros Oriental.

“Hanggang may pagsasamantala at pang-aapi sa masang magsasaka at manggagawa, patuloy na mahuhubog ang lakas ng hukbo ng anakpawis,” ayon kay Banagbanag. Tuluy-tuloy umano ang pagsisikap ng hukbong bayan sa pagtatayo ng Pulang kapangyarihan sa harap ng walang tigil na militarisasyon sa mga kanayunan sa isla.

The post 5 sundalo ng 11th IB, napatay sa serye ng depensibang aksyon ng BHB sa Negros Oriental appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

no comments (yet)
sorted by: hot top controversial new old
there doesn't seem to be anything here